Saturday, August 17, 2013

Lay It Down

I will give it back
Lay it down at Your feet
None I will claim
For all You deserve

I will lay it down
As an offering
All for Your glory
My Lord and my King

Tuesday, July 2, 2013

The Joy of GRACE

The Joy of GRACE 

It is having what you did not deserve at all
It is being cleanse and washed not by your own works
It is being seen by God without blemish
It is being loved by Him though you are a sinner
It is being used by Him though you are not worthy of the position
It is being reminded of what the Lord has done to you showing His love,kindness, faithfulness, mercy, and Greatness and still showing it to you until today
The Joy of GRACE.

Monday, February 11, 2013

Single AKO... Taken KA... ANO NGAYON?!

   
  Mag pe-february 14 na kasi at usong uso na naman ang mga :  tsokolate, teddy bear, flowers at kung anu-ano pang anik anik na galing lang din naman sa pera ng magulang para ibigay sa kasintahan,nililigawan, M.U., mahalagang kaibigan, ka-fling, syota, tropa at kung anu-ano pang bansag sa taong malapit sa puso mo.
     
  "Eh ano nayon?!"- Madalas yan ang linya ng mga single sa buwan ng Pebrero. Eh ano nga ba ngayon?!

        Tuwing sasapit kasi ang Pebrero masyadong nabibida na kailangang may partner ka. Hindi naman KJ ang dating ko rito ngunit masyado na kasing nako-commercialize ang mga bagay na pang magsyota o dapat na may minamahal kang opposite sex. Ito ay kahit hindi na Pebrero ay usong uso lalo na sa panahon ngayon. Hindi natin nakikita ang mga magagandang bagay na dala ng pagiging single. Dahil madalas sa T.V.,sa eskuwela,sa mga kaibigan, talamak ang kwentong lovelife. Hindi mo nga mamamalayan ang oras kapag tungkol dito ang pinaguusapan. Ngunit subukan naman nating magseryoso at tignan sa ibang perspektibo ang mga bagay bagay.

"Being Single is a gift from God"
      Ating isipin ang isang baso na may lamang tubig at isa pang baso na walang laman. Sa iyong imahinasyon,isalin mo ang tubig mula sa isang basong puno ng tubig papunta roon sa isa. Oh di ba nabawasan? Ganyang klaseng pag-ibig ang maibibgay mo kung hindi mo muna alam ang tunay na mapagkukuhanan ng tunay na pagmamahal. Hindi ba't mas magandang isipin kung parehas kayong pinupuno muna ng Panginoon( bilang pitsel na hindi nauubos) at ang pagmamahal na maisasalin nyo sa isa't isa ay ang umaapaw na pagmamahal ng Diyos na inyong nararanasan?

          Singleness is a gift from God for us to truly learn how to love though patuloy din itong pagkatuto. Pero opurtunidad ito mga ate at kuya na mas makita ang malaking picture kung bakit ka pumapasok sa isang relasyon. Yung tipong hindi na laro at kasiyahan lang ang habol mo. 

"Being Single is a gift from God for it is a time to GROW"
         To grow in intimacy of your relationship with the Lord. To grow in your character as a man/woman. To grow in service for God,and to grow in influencing others. 
Minsan kasi kapag nasa isang relasyon ka madalas ang oras,pagkatao, atensyon, pera at lahat ay nakatuon sa parter mo at nakakaligtaan mo ng lumago bilang tao (ito ay kung hindi pa mag-asawa, iba na kasi ang demand kapag mag-asawa talaga).

"Being Single is a gift from God for us to GUARD OUR HEARTS"
        Dahil nga sa masyado ng na-a-advertise ang "love is in the air" ay marami na ang nakakalimot na alagaan at protektahan ang ating mga puso. Magandang isipin na kung haharap tayo sa altar ay siya na ang una't huling relasyon mo (ngunit hindi rin naman natin maiiwasan na minsa'y magkamali tayo basta't bangon lang ulit). Paano ba natin mapo-proteksyunan ang ating mga puso? - "Ibabad sa Panalangin" Kailangan din kasi talaga muna nating makita kung sino nga ba tayo,ang Pag-ibig ng Diyos para sa atin at ang Pag-ibig Niya na magpupuno sa atin. At sa tamang panahon, si Lord ang mag re-reveal sa iyo. Magaling na writer ng love story si God. All you have to do is to TRUST,PRAY, and WAIT for the right timing. Guarding our hearts will keep us from pains that may cause scars in our lives. Many believes that "experience is the best teacher" but let us put it in this way: 
"Learning from the experiences of others is the best teacher"- You don't need to go through it first before you will take caution.

"Being Single is a gift from God for us to INVEST"
           Investing for the Kingdom. Investing your life to other people. Investing for your future. It is  a time to be a good steward of everything you have. 

         Maraming mga bagay ang pwedeng i-highlight sa pagiging single. Huwag makiuso o makisabay lang sa takbo ng mundo.
        Enjoy your singleness for it is a gift. Let us all learn the things we have to learn. And let us all be filled with God's Love first before we can truly love others. 

Single ako... Taken ka... ANO NGAYON?!

Tuesday, May 8, 2012

Introduction to this site of wonderful

First time kong mag ta-try mag blog. May nag sabi na rin kasi sa akin noon na hindi pa raw huli na makilala ko ang aking sarili. Sino nga ba ang "AKO"?. Ang 'ako' na mahilig namang mag kwento,ako na mahilig gumawa ng kwento na hindi pang kanto,ang ako na gustong mag lingkod,ang ako na gustong makatulong,mag pa saya at mag share na baka may matutunan ang iba(with the Help of God). Baka kahit sa pag susulat ay aking magawa... wala naman sigurong masama... pero sa aking pag susulat ang higit na naisin ko ay mag bigay ng kapurihan sa Lumikha at nagmamahal sa isang "ako" si JESUS. :)